
Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng Kalakhang Cebu kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan. Ito ang ikalawang pinakamahalagang sentrong urbano ng bansa. Matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas. Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas.
Cebu City ay tinatawag din bilang “Queen City of the South” at naging isa sa mga magandang destinasyon ng mga turista sa Pilipinas.
Bukod sa mga magagandang tanawin at pasyalan sa Cebu, kilala rin sila sa kanilang masarap at malinamnam na pagkain. Narito ang ilang sa mga pagkain na binabalik-balikan sa Cebu:

Inasal ay isang Cebuano term para sa Lechon. Maaari itong maging Inasal na Manok o Inasal na Baboy ( Lechon Manok o Lechon Baboy). Ang Cebu ay ang nag iisang lugar sa Pilipinas na pinaka-sikat pagdating sa Lechon dahil sa kakaibang lasa ng kanilang produkto. Kung ito ay iyong titikman ay nais mong bumalik balik sa Cebu para sa kanilang Lechon. Kakaiba ang lasa at walang kapantay.

Kabilang din dito ay ang daing, danggit at pusit na makikita sa iba’t ibang bahagi ng Cebu. Ngunit mayroong ispesipikong lugar sa Cebu kung saan ay makakakita ka ng sari-saring klase ng dried goods at ito ay sa Taboan Public Market, Cebu City. Dito pumupunta ang mga dayuhan upang bumili ng pang pasalubong. Iba ang lasa ng mga ito dahil bukod sa sakto ang alat ay napaka-linamnam pa. Masarap ito kahit sa anong oras ng araw.

Ito ang bersyon ng Chicharong Bulaklak ng Cebu. Ito ay bituka ng baboy na linuto ng maigi at pinrito upang maging malutong. Matatagpuan ito sa mga sulok sulok ng kalye ng Cebu na nasa kariton o mayroong mga nagtitinda na naglalako nito sa Cebu. Kahit na ito ay mataas sa kolesterol ay napaka-sarap nitong pang meryenda o hindi kaya ay pang ulam sa tanghalian.

Ang Bakasi ay isang uri ng exotic food na dinarayo sa Cordova Cebu. Ito ay isang sea eel na talagang sinusubukan ng mga turista dahil hindi magiging kumpleto ang iyong bakasyon sa Cebu kapag ito ay hindi mo nasubukan. Bukod sa pritong Bakasi ay madami pang ibang luto ang pwedeng gawin rito.

Linarang ang isa din sa mga dapat subukan na pagkain pag ikaw ay napunta ng Cebu. Ang kadalasang isda na ginagamit dito bilang sangkap ay molmol (parrotfish) o bakasi (eel). Pwede din ang tagotongan (pufferfish), pagi (stingray) at pating (shark) ngunit ito lamang ay nahahain sa Pasil, malapit sa Talisay City Hall. Ang linarang ay kilala sa lasa nitong maasim na maanghang na pagkain bilang “comfort food” o “recovery food” para sa may mga “hangover” dahil bukod sa kaanghangan nito ay depende din sa isdang ginamit na dumadagdag sa pampainit ng katawan.

Humba o “hoom-bah” ay isang uri ng nilaga na liempo o tiyan ng baboy na hinaluan ng pulang asukal, suka, toyo, bawang, asin, paminta, star anise, dahon ng laurel, puso ng saging, tubig at tausi. Ito ay yung bersyon ng mga Cebuano ng kanilang sariling uri ng adobo. Ang tanging pinagkaiba nila ay ang paglagay ng tausi at puso ng saging na wala sa adobo. Hinahanda ito depende sa mga gusto kumain nito. Pwedeng araw araw, tuwing fiesta o di kaya tuwing may espesyal na okasyon tulad ng kaarawan. Ang lasa ng Humba ay matamis na maasim na may alat dahil sa tausi.

Isa pa sa ipinagmamalaking pagkain sa Cebu ang Cruzan Crabs o mga naglalakihang alimango na nakukuha sa Bantayan Island. Dahil sa hinahanap-hanap na rin ito ng mga turista, inaangkat na rin ang mga Cruzan Crab palabas ng bansa. Ang laman ng alimango na ito ay napaka-linamnam na hindi mo malalasahan sa ibang alimango. Kahit na malakas ito makapag-pataas ng altapresyon, ay gustong gusto pa rin ito ng mga turista dahil sa sobrang laki nito at linamnam.

At syempre ang isang dabest sa pang pasalubong ay ang Dried Mangoes. Ito ay yung mga hinog na mangga na ibinilad sa ilalim ng araw upang matuyo. Dahil sa likas na lasa nito ay maaari mong gawing dessert o di kaya ay pampagana bago kumain. Ang tamis nito na may konting asim ang naging rason upang maging natatanging meryenda ng mga makakatikim nito. Sa bawat kagat ay puno ng lasa at masustansya dahil isa ito sa mga dabest na piling mangga ng Cebu.